Untitled Document
   
Bobby Tuvillo at The Library
   

The Library Moves Into A
Better Groove!

SEPTEMBER 1, 2007 (Saturday) will mark another milestone in the history of Malate’s The Library.

Lilipat na sa bagong ‘bahay’ nila ang mga Librarians ng M. Adriatico. And this time, sa isang mas malaki, mas maaliwalas, mas komportable’ng lugar sa Maria Orosa street, sa Malate rin matutunghayan ang nakatakdang bumulaga sa mga nasanay na sa naging second home nila sa loob ng 22 taon na comedy o sing-along bar.

Sa pamamagitan ng owner ng The Library na si Andrew ‘Mamu’ de Real, isang paanyaya ang ipinaaabot nito sa mga mahilig pa ring tumawa, kumanta at magsaya lang after a hard day’s work sa bagong The Library na matatagpuan sa 1739 Maria Orosa street in Malate.

Sa grand opening nito sa unang araw ng Setyembre, sari-sari at ‘sangkaterbang sorpresa na naman ang inihanda ni Mamu at ng kanyang staff para sa kanilang mga guests. Mula sa mga artists na magbibigay ng kanilang time, hanggang sa performers sa kanilang mga ipinagmamalaking mga acts, at sa mga celebrities na all these years eh, naging kapamilya at kapuso na ng nasabing bar-lahat ay magsasama-sama sa panibagong pagbubukas ng bagong kabanata sa nasabing comedy bar.

Ang The Library ang unang naging tahanan ng mga kumikinang ng pangalan sa larangan ng pagpapatawa sa mga panahong ito-Allan K., Arnell Ignacio, Ai Ai delas Alas, Phillip Lazaro, Teri Onor, Pooh, Vivorah, ang Raging Divas at marami pang sumikat at pinapansin na sa kanilang kinalalagyan.

Unique. Private. Different. Bigger. Better. Deviant. What else is there to ask?

Be there to witness the moving of The Library with a blast. Party starts at 7 p.m.  Come in your semi-formal attire
 

Publication: Philippine Entertainment Portal
Publication Date: July 16, 2007
URL: [Click here]
Article Title: The Library Moves Into A Better Groove!
Writer: Pilar Mateo