•  
Greetings to The Library's 31st Anniversary
•  
The Library's 29th Anniversary
•  
Sharon Cuneta at The Library
•  
26th Golden Book Anniversary
•  
Queen Comedia 2011
•  
Alma Moreno, Andrew E.
and Rey Valera
at The Library
•  
The Library at CULTURE SHOCK
•  
The Library 25 Chapter of Laughter
•  
The Library Silver Year!
•  
This Library is not just for bookworms…
•  
"A TRIBUTE TO ICONS"
The Library's 24th Year Anniversary
•  
The Library Celebrates 24 Fun-Filled Years of Existence!!
•  
Aiza Seguerra
•  
Christmas Party 2008
•  
DIRECT ME IF YOU CAN 3 Awards Nights
•  
DIRECT ME IF YOU CAN - "Echo N Fuzion" featuring Echo with guests Hotlegs Dancers
•  
DIRECT ME IF YOU CAN - "Only Oreo" featuring Oreo with guests Petite & Negra
•  
DIRECT ME IF YOU CAN - "Pose Oh Negra" featuring Negra with guests Ms. Ador, Onse and Dax Martin
•  
DIRECT ME IF YOU CAN "Rated R" featuring Jhay-R with guest Coco
•  
DIRECT ME IF YOU CAN - "Thy Will Be Dan" featuring Dandan with special guest Wendell
•  
The Library Celebrates
It's 1st Year on It's New Location
•  
23rd Grand Anniversary
•  
Mocha with Orca
•  
The Library Goes Grammy
•  
Staff on the Loose
•  
The Library's
Big Bang for 2008
•  
•  
•  
•  
•  
•  
•  
•  
•  
Comic Opening
•  
•  

The Library Celebrates 24 Fun-Filled Years of Existence!!

Napakabilis talaga ng panahon. Parang kailan lang nang magbukas ang isang maliit na watering hole at entertainment bar sa Adriatico St. Malate na kung tawagin ay The Library. Gumawa ito ng ingay sa mundo ng entertainment industry mula nang magbukas ito at naging regular na puntahan, tambayan at naging “second home” ng mga regular guests at ng mga entertainers na rin. Mas lalo pa itong pumutok nang sumikat sa nasabing comedy bar ang mga magagaling na stand up comedians tulad nila Allan K., Lenard Obal, AiAi delas Alas, Arnel Ignacio, Philip Lazaro, Pooh, Vice Ganda, Anton Diva, Rey Kilay, Wally at marami pang iba. Dahil sa matiyagang pagtuturo at pagtutok ng may ari na si Andrew “Mamu” de Real ay lalo pag nadagdagan at mas nakilala ang iba pang stand-up comedians sa mundo ng entertaiment. Bawa’t shows na ginagawa sa nasabing lugar ay talagang pinag-iisipan na talaga namang pinapanood ng kanilang mga regular patrons, lokal man o kahit mga foreigners.

At kahit nagbago na ang lokasyon ng The Library (from Adriatico St. to Orosa St.) Ay hindi pa din nagbago ang hatak ng The Library sa Malate. Sa ngayon, ang dating maliit na entertainment comedy bar ay mas malaki kaysa dati nitong lokasyon. Hindi lang size ang lumaki, kundi pati na rin ang mga shows na ginagawa sa nasabing lugar. Every week ay humahataw ng husto ang mga pinagmamalaki nilang impersonators gaya ng Raging Divas, Lola Divas at Drag-ons. Mas nadagdagan pa ang mga stand up comics na nagkapangalan tulad nila Kim Dinasour, Ruffa Mi at Quizon Brothers (John and Rowell). Sa totoo lang, maraming gumaya sa konsepto ng The Library, pero hindi pa din nila ito mapantayan at malagpasan.

Kaya this coming June 17-21, ay magkakaroon ng isang malaking selebrasyon ang The Library para sa kanilang ika-24 na anibersaryo. Gabi-gabi ay magkakaroon ng malalaking shows na tampok ang kanilang mga in house talents kasama ng iba pang celebrities tulad ng EB Babes, Ruby Rodriguez, Sex Bomb Dancers, Beverly Salviejo, Philip Lazaro, Joaquin Garcia, John ”Sweet” Lapus at marami pang iba. At bilang pasasalamat sa kanilang mga loyal patrons, ay magkakaroon ng pa- raffle every night starting from June 17-21.

At sa eksaktong araw ng kanilang Anniversary (June 21) ay gaganapin ang taunang “Golden Book Awards”. Isa itong gabi ng parangal para sa mga mahuhusay na stand-up comedians at performers. Taon-taon ay inaabangan ito ng lahat ng mga stand-up comedians, taga Library man o taga ibang bar dahil napa-bongga lagi ng presentasyon at napakaganda ng mga production numbers.

Kaya sa mga gustong ma-witness ang magarbong Anibersaryo ng The Library, better mark your calendar now. Sabi nga ng pamosong tv host na si Boy Abunda “Malate will never be the same without The Library”.

For details and reservations you may call 522-2484 or visit our website at www.thelibrary.com.ph